Mooooo....

Ang kwento ng araw ko… at ng Yanyan.

May 31, 2007

As usual, nagising na naman ako ng maaga dahil nag-aayos si Ate para… uh… para umalis. AS USUAL, natulog ulit ako.

Gumising ako ng 10am para matulog ulit at gumising ng 11am.

Nag-internet muna ako sandali para kunin yung pinatype ko na story kay Jes. Nag-check din ako ng blog kasi malakas ang pakiramdam ko na may nag-iwan ng message sa message board.

May nag-iwan ng offline message sa Meebo. Hindi ko kilala kung sino. Nagtananong ako sa mga tao pero hindi daw sila yun.

Dahil mahiwaga masyado ang aming internet connection, nag-sign out mag-isa ang Yahoo! Messenger at ayaw nang bumukas ng mga website.

Kaya naligo na ako.

Siguro naman hindi ko na kailangang i-explain pa yung details kung paano ako naligo?

Ayan, tapos na akong maligo. Habang nag-aayos, pinipilit kong magbukas ng website at makapag-sign in sa Y!M kahit na alam kong wala nang pag-asang makapag-internet pa ako.

Pagkatapos mag-ayos, bumaba na ako para mag-lunch. Yun pa rin ang ulam ko. Kung ano ang ulam ko kagabi, yun pa rin. Ano bang pakialam mo, e masarap yung pagkain? Pinagluto ko kasi si Ate ng adobo kagabi. Mga isang taon ko na kasing hindi natitikman yung adobo niya. E masarap yun. Yun pa nga rin ang ulam ko mamaya.

Anyway…

Umalis na kami ng maghahatid sa akin. Naglalakad kami papunta sa Retiro… Ay, teka. Nandun pa lang kami sa street namin. Nung malapit na kami sa kanto, may bumusina sa likod ko na kotse. Tapos nung dumaan na siya, aba, bigla ba namang sinabing, "Luneta a!". Ayun, na-leche tuloy ng kasama ko. E bakit ba!? Anong gusto niya, tumakbo kami? Ang kapal nga ng mukha niya! May paganun-ganun pa siya, e hindi nga siya taga-dito! Bulok naman yung kotse niya! Naku, leche talaga. Pa-ban ko siya sa barangay namin e. Bwiset.

Nakarating na kami sa Retiro. Sa wakas. Kaso mainit. Sumakay na kami kaagad ng jeep. Wala namang nangyaring kakaiba sa jeep kaya diretso na tayo sa kwento tungkol sa Blumentritt.

Bumaba na kami ng jeep. Nasa Blumentritt na kami. Ayos na sana ang lahat, kaso ang daming nakakalat na tricycle. Ginawa nilang parking lot ang kalye ng Blumentritt, ginawa nilang tambayan ang sidewalk, at ginawa nilang sabungan-ng-mga-lasing-na-tricyle-driver ang bawat sulok. 'Langya, wala pa ring pagbabago. Ang dami pa ring squatter sa riles. Paano kaya sila nabubuhay doon? Hindi ko maisip ang sarili ko bilang "squatter". Hindi ko ma-imagine ang sarili ko bilang maliit na batang naliligo ng hubo't hubad sa harapan ng kanyang bahay at gumagamit ng tubig galing sa maruming ilog… kung ilog man yun. Ginawang dump site e.

Sumakay ulit kami sa jeep. Kami ulit ang unang sumakay kaya nasa tabi kami ng entrance. Mabilis naman mapuno kahit papaano. Meron lang tatlong batang lalaki (mga 12-15yrs. old) na nag-aabang sa kung ano man. May nag-vibrate sa bag ko. May nagtext. Feeling ko si Jamie at Jesmon. Putek naman o, hindi ko malabas ang cellphone ko. Malay ko ba kung snatcher ang katabi ko? Malay ko ba kung magnanakaw yung mga bata? Malay ko ba kung… kung… Teka, umaandar na yung jeep. Nakasabit ang mga bata. Silang tatlo, plus yung isang lalaki na hindi naman nila kasama. Nag-uusap yung mga bata tungkol sa… eeeek! Pumreno bigla si Manong Driver. Yung preno niya may kasamang liko, kaya tuloy sumubsob yung isang bata sa lapag ng jeep. Buti na lang mabait yung nasa harapan ko at hinawakan siya't tinulungang makatayo. Hahawak sana yung bata nang biglang umandar na naman yung jeep. Ano ba yan Manong? Ever heard of safety? Pinag-uusapan ng mga bata kung ano ang gagawin nila sa mangga na nasa supot nila. Hindi ko alam kung saan nila napulot yung mangga, pero yun. Sabi nung isa, "benta kaya natin para may pamasahe tayo?". Yung isa naman, "kainin na lang natin." "Saan natin kakainin?", "Sa bahay na lang.", "Hindi! Sa tulay na lang!" Nakalagpas na kami ng Solis. Merong truck sa likod ng jeep. Bumaba ang mga bata at sinabing sabit na lang daw sila sa truck.

Naiwan na lang yung lalaking nakasabit. May bumaba galing sa tabi ng driver. Bumaba si Manong sabit at sumakay sa harapan. Andar na naman kami. Preno na naman si Manong Driver. Nagalit si Manong na nasa harapan ko. Nagalit ang mga katabi ko. Nainis ako. Napansin ko na nasa likod pa rin namin ang truck. Siguro nandoon pa ang mga bata. Oras na para bumaba. Malapit na kami sa ICAM. " 'Ma, para po", sabi ng kasama ko. Bumaba na kami. Tinignan namin ang truck sa likod, wala na yung tatlo. Napaisip tuloy ako. Ano kaya ang nangyari sa kanila? Bumaba kaya sila? Hindi siguro, narinig ko sa usapan nila na sa Balut sila pupunta. Nahulog kaya sila? Nabundol kaya sila? Makakarating pa kaya sila sa pupuntahan nila? Sabi ng kasama ko, "siguro pinababa nung driver."

Ano nga kaya ang gagawin nila sa mangga?

Papunta na kami sa ICAM. Kung ano ang ICAM, hindi yun bahay, hindi yun hayop, eskwelahan ko yun. Nakasalubong namin sina Aling Cutie.

Pumasok na ako sa gate. Nandun si Mang Roger. Sina Trisha at Denise nandun din. Nasa Multi-Purpose Hall daw yung iba.

Umpisa na ng practice. Ay! Nga pala, sabay kaming dumating ni Jamie. Siya kasi yung pinagawa ko ng drawing para sa stage decoration. Ang ganda, hanep. Yung babae halong Kairi (KH I) at Aerith (FFVII). Yung lalaki… kamukha ni Roxas. O, san ka dun!? Crush nilang lahat si Roxas! Pati si Eugene at Raymart crush si Roxas. Gulay… buti na lang sabi ni Jamie AKIN na daw yung Roxas na ginawa niya. Nabasa ninyo a, AKIN na yun. SA AKIN LAMANG. Ni hindi nga nila kilala kung sino si Roxas e.

Practice muna sila ng sayaw. Pagkatapos, practice naman ng introduction. Ilang beses namin ginawa. Naiinis na si Trisha.

Nagkaroon kami ng KAUNTING break na MAHABA. Gets niyo? Basta. Naglalaro yung mga third year. Sina Mary Ann, Apple, Veronica, Raymart, at Ronna. Alam mo yung laro na may mga silya sa malayo at may tugtog? Kapag huminto yung tugtog, paunahan kayo sa silya, at yung walang makukuha na silya, out. Oo, parang "Trip to Jerusalem", kaso hindi niyo na kailangang umikot-ikot at hiluhin ang sarili para manalo. Nagpatugtog na. STOP! Takbo! Tumakbo sila. Nanonood lang kami ni Jamie habang naga-iPod. Hala! Si Veronica ang daya! Binuhat ang silya at tinangay sa kung saan! Nakaupo na sina Ronna, Apple at Raymart. Si Mary Ann nakahanap din ng silya! Ang galing nila! Teka!! Bakit sakto yung silya sa kanila? Sinong talo? Ha?

Sabi ni Jamie siya daw yung nag-iwan ng message sa Meebo.

Dumating na si Ms.Tina at Ms.Emma, practice ulit. 4:30 na. Uuwi na daw si Jamie. Sabi ko sabay na kami total isang practice na lang naman at naghihintay ang sundo ko. Medyo maayos na ang introduction. Peste, wala si Elaine. Wala akong "ka-connect" sa introduction. Buti na lang at makakapunta na siya bukas.

Tapos na! Makaka-uwi na kami! Sa wakas!!

Pa-uwi na kami. Patawid kami nang may babae sa harapan namin na sasakay sa jeep na hindi naman niya pinara. Siya pa ang may ganang magalit. Malay ba nung driver! Nasa kabilang side na kami. May isa pang babaeng magulong maglakad. Nampucha, pa-sexy maglakad, tabingi naman! Madami pa ring tricycle sa Blumentritt. Dumaan kami sa Mercury Drug para bumili ng inumin. Dehydrated ako. Bumili ako ng dalawang bote ng One (yung White Tea), isang pack ng BluSkies (yung Spring Onion), saka isang Yanyan (yung strawberry). Walang price yung One, libre siguro! Meron naman yung BluSkies. Desperado na ako. Pati biskwit pinapatulan ko. 27.75Pesos ang Yanyan. Uy! Mas mura kesa sa 7-11! 40pesos kapag sa 7-11!!

Nagbayad na kami. Lumabas kami ng Mercury Drug. Sa Blumentritt pa rin 'to a. Yung sa may Goldilocks. Ayan, lakad kami. May nagmomotor na babae. Green yung motor. Nagmomotor yung babae… sa sidewalk. Ibang klase! Nagmomotor sa sidewalk! Grabe! Talo niya ang mga tricycle driver a! Kilala daw siya ng kasama ko. Ang gulo ng pagkaka-explain niya pero kilala daw niya yun.

Sumakay na kami ulit ng jeep. Magbabayad na kami. Ayaw i-abot nung lalaki sa tabi ko. Nagkusang-loob na yung babae sa kabilang side na i-abot ang bayad namin sa driver. Sinabi ko nang malakas sa kasama ko, "BAKA BINGI!" Sana narinig niya yun. May babaeng sumakay, may kasamang tatlong bata at isa pang babae. Natamaan kami nung unang babae. Wala man lang sorry? Mga tao talaga ngayon. Naikwento sa akin ng kasama ko na kaninang umaga daw, nung umalis siya't sumakay sa jeep, yung babaeng katabi daw niya, sinabit ung payong dun sa gitna nila. Alam mo yun, yung sa bintana? Syempre, pupunuin yung jeep. E 'di umurong sila kasi may sasakay. Yung babaeng may payong, ayaw daw alisin yung payong na nakasabit. E nahihirapan na yung mga ibang pasahero. Alam mo kung ano ang nangyari? Ito o. Si Jen yung kasama ko. Si ??? yung babaeng magulo.

     Jen: "Miss, alisin niyo naman yung payong niyo diyan kasi may iba pang pasahero."

     ???: "Bakit ba!?" (Aba, siya pa ang may ganang magalit!)

     Jen: "E kasi naman hindi ako maka-upo ng maayos!"

     ???: *tingin lang*

Ang lakas ng loob. Mukha naman daw bakla. Ewan. Kapal niya. Sana sumama pala ako. Gusto ko siyang awayin.

Naubos na ang isang bote ko ng One.

Malapit na kaming bumaba. Ayan na. Babay Manong Driver!

Nasa bahay na ako. Sa ngayon ay pinapapak ko na ang Yanyan ko. Mauubos na rin yung One. Kumakanta ang Ate ko. Nanghingi siya ng Yanyan. Ka-chat ko si Adeth. Masakit ang daliri ko. Ang haba ng entry na 'to. Pinakamahabang entry ko 'to sa lahat ng blog entries na nagawa ko. Check mo pa sa Multiply.

Sige kanta ka lang, Ate…

Ikaw, magiting na mambabasa, dehydrated na ba ang iyong mata?

 

Kaklase ko si Adeth! Wahoo!!

Posted by worldwideweird at 5:45 pm | permalink | comments[2]

Flavor of Life. Part II!

Uh… Yeah.

 

Posted by worldwideweird at 12:18 am | permalink | Add comment

Gaano ka-weirdo ang buhay mo?

May 30, 2007

Introducing "Stix nd Stones. The Truth Behind…"

Wala lang yan. Malalaman niyo kung ano yan next week.

Jamie's story (mine too).

    Nung grade six, ugali naming dalawa ni Jamie na pumunta sa CR kapag tapos na ang Art class namin. Last subject kasi namin ang Art every Wednesday. Isang araw, umuwi na ang karamihan ng kaklase namin at yung mga lalaki naman ay naghahanda para sa practice nila sa basketball. Iniwan namin ni Jamie ang mga gamit namin sa classroom. Pumunta kami sa CR. Dahil alam naming naka-lock yung CR sa Grade Six department at dahil gusto namin maglakad, bumaba kami. Inisa-isa namin yung mga CR. Hanggang sa mapadpad ulit kami sa CR ng grade six dahil madaming tao sa baba.

    Nag-away pa kami kung sino ang magbubukas ng pinto. Panalo ako, si Jamie ang magbubukas. Nakalock ang doorknob sabi ni Jamie.Pero biglang… click! Hawak pa niya ang doorknob nang biglang bumukas mag-isa. Sigurado kaming walang tao sa CR ng mga oras na iyon. Tumakbo na lang kami pabalik sa classroom.

Yuki's story.

    Yuki: "Um, one time, nagswimming kami. Tapos may bird na lumilipad. Tapos out of the blue, biglang nawala yung bird. As in disappeared siya."

    Ako: "Haaa?? Baka naman lumipad lang talaga?"
   

    Yuki: "It was circling around dun sa parang vain… tapos talagang sinusundan ko ng tingin… tapos biglang     nawala…"   

    Yuki: "Parang ako… baka naman may powers yung birdie…" 

    Ako: "Hahaha, baka naging bubuyog."

    Yuki: "Baliw ka talaga."

 

Yuki's horror experience:

    "Yung computer ko kasi katabi nung window ko sa kwarto… so eh gabi na nun… hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero meron akong nakitang dalawang kamay na nakahawak dun sa window. Alam mo yung pag sumisilip ka galing sa baba, 'di ba usually yung ulo mo makikita? Pero yun, wala akong nakitang ulo… yung kamay lang… so hindi ko alam kung putol ba yung ulo or talagang hindi lang pinakita yung ulo niya. Gabi nun ah,  at ako lang ang mag-isa sa kwarto. So parang after nun, natatakot na akong tumingin sa labas ng window pag gabi. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba yun or totoo. Sa sobrang takot ko, hindi na ako naka-move the whole time, hinintay ko pang magkaroon ng tao sa kwarto bago ako nagmove ulit."

 

Jes' story. 

    "Ganito kasi yun, gabi na kasi kaya sa office namin ako matutulog. Galing ako sa bahay ng kaklase ko e mga 11pm na nun. Sinamahan ako ng pinsan ko at ng anak niya. Ang sabi daw, yun asawa ng pinsan ko ay may third eye, kaya may probability daw pati yun bata meron. Anyway, natulog na kame. Then, mga 4am, nagising yun bata, sabi niya, may nakikita raw siyang duguan na palutang-lutang malapit sa may PC. Edi yun na, sabi ng bata, buksan daw namin yun ilaw, edi nawala na. Nung umaga na, sinabi namin sa tita ko. Sabi niya, dun daw sa dating bahay(kasi yun office namin ngayon yun dating bahay), sa may CR daw, may nagpapakita na yun nga, may duguan, eh ang creepy dun, yun office sa building ay doon din yun location ng dating CR. Yung lumang bahay, ang itsura niya parang mga bahay sa intramuros."

 

Ikaw? Gusto mong mag-share?

 

Mwahahaha. 

Posted by worldwideweird at 11:15 am | permalink | comments[1]

"And the gate was like CRASH! KLING! EEEEEK!"

May 29, 2007

I went to Fidel again, and I'll be spending the rest of my afternoons there. Well, only for this week, of course.

And so it happened. There were these crash, kling, and eeeek of some kind of gate. So I peeped through the window and saw HER. Yes, HER. She was shouting at her grandmother for the nth time in Philippine history. Her grandma's trying to go out of the house and SHE was trying to pull her grandma back.

Because of all the commotion and shouting, I went to the terrace with Andre and Tita Therese. We watched the whole scene. Not that we're really interested or something. We just wanted some fresh air. No, not really. Fresh air doesn't exist in Manila.

Anyway, so I chatted with Andre, and we laughed. Then I think SHE saw me. I was still smiling, and SHE was frowning. She went inside the house, locked the door, then Tita Therese told me, "baka natakot sa'yo kaya pumasok kagad".

Nothing much happened after that.

Therefore, this entry ends.

Adieu~ 

Posted by worldwideweird at 6:26 pm | permalink | comments[1]

Flavor of Life. What the-!?

May meeting kami mamaya. As usual, 1:30 na naman. Ay, teka! Hindi nila sinabi kung anong oras! Dry run na yata namin bukas… at wala pa kaming napa-practice! Ang dami ko pang gagawin.

"Ano ba ang lasa ng iyong buhay?"

Iyan ang paulit-ulit na tanong ni Jes sa kanyang mga group message. Hindi ko maintindihan kung bakit sila naaadik sa kanta ni Utada na Flavor of Life. Siguro bukas adik na rin ako dun. Ewan. Basta ganun. Hawa-hawa lang naman yan.

Malapit ng mag-twelve at hindi pa ko naghahandang umalis. 

— 

So much for a niiice vacation.

 

Posted by worldwideweird at 11:16 am | permalink | Add comment