Mooooo....

Cluumsinenss. Oopps. Er.. Oops. Clumsiness.

May 29, 2007

Why, oh why am I so clumsy today?

Out of balance + heat allergy + a hell lot of work + hurt knee + lack of braincells + acting as if drugged = brain dead.

Out of balance. Am I just clumsy, do I lack blood that oxygen can no longer circulate through my veins to my cells properly, or am I just stupid?

Heat Allergy. Mainit! Need I say more?

A hell lot of work. The president's gone. I have three nonsupporting members. I have to finish the powerpoint presentation by TOMORROW. Also, I have to DRAW EVERYTHING. Cliparts are ugly. Enough said.

Hurt knee. My knee hurts for no particular reason. Lack of calcium maybe? I can't even drink a glass full of milk. Stupid lactose intolerance blah-blah.

Lack of braincells. Just remembered what Ma'am Yam said. It's true that you become dumber when you hit your head or something. You lose your braincells. You LOSE BRAINCELLS. Can you believe it? YOU CAN REALLY LOSE YOUR BRAINCELLS. Enough of that. I still don't believe that you can gain back your "braincells" by hitting your chin upwards with your hand after hitting your head. You know, the "usual" hobby of kids (that I never, ever believed in) that you should… Uh… "Paluin mo yung baba mo para hindi ka mabobo!"

Hindi ka ba lalong mabobobo pag ginawa mo yun? It'll only increase the damage…right?

Acting as if drugged. I move like a drugged person. Not that I don't drink any medicine, but what the heck? Is it normal to drop something, then pick it up, drop it again, pick it up again knowing that you really didn't pick up anything at all, then BOOM! You trip!

Brain dead. Yes, and my friend Eloisa truly knows what this means.

 

"…as rivers reach the sea, you reach me with songs of your symmetry. A small boat there will float to far-off coast, isle of infinity. Come with me…"

"Here we'll see love's lost tree made out of miracles, emotions, crystal leaves to cover me and you in eternity. Each atom sings to us through the blood…"

"Itada hi no kaze ni noote… Haruka tooi… Hanateta koto e… Itsuka sora wo… Hitotsu michimono ni.. Watatteyukeyu hanateta koto e…"

 

Steve Conte and Maaya Sakamoto's best song ever.

 

 

Oyasumi nasai.

"Where everyday will return us… to arms of the ever eternal…" 

Posted by worldwideweird at 12:32 am | permalink | Add comment

Meeting na wala namang nangyari.

May 28, 2007

Sana hindi na lang nagmeeting. Wala namang nangyari e.

Wala akong malagay dito. Naubos na yata ang braincells ko. Gutom kasi.

Nakakainis ka RAPHEE. Moo ka ng moo. Moo-ka mo, bwiset.

Baka next week ready na ang podcast.

Buhbye (teletubbies style AKA style ni Raphee).

Posted by worldwideweird at 7:51 pm | permalink | Add comment

"OMG! BAGONG BLOG NA NAMAN!?"

May 27, 2007

Oo, bagong blog na naman. Aangal ka? Gusto ko lang ipaalam sa iyo na sa dinami-dami ng blog ko, i.ph ang pinaka madaling gamitin. Hands down. Tama! Mas madali itong gamitin kesa sa blogspot. At least hindi mo kailangang matuto ng CSS para maayos ang layout mo. At hindi ko pa rin inabandona ang multiply ko. Sayang yun. Ginawa kong back-up ng PC ko yun e. Hahaha.

Ayan. Wala na akong masabi. Epal yung commercial, nakaka-distract.

Tinanong ni Raphee kung para saan daw ang bagong blog na ito. Ang sabi ko, "ito ay gagamitin para lagyan ng mga weirdong pangyayari sa ating pang-araw-araw na buhay."

Example, may biglang lumabas na alien, time divergent, o esper (*ehem-HaruhiSuzumiya-ehem*), buksan agad ang computer at ilagay sa blog ang bawat detalye ng pangyayari… sabay sayaw ng Hare Hare Yukai.

Hindi pa rin magbabago ang style ng mga journal entry ko. Bigla na lang na may makikita kayong dash at biglang iba na ang topic.

 

Tulad nito.

Frequently asked questions (na hindi pa naitatanong):

1. "Bakit Happy Cow?"

    - Sabi ng Ate ko e.

2. "Saan mo nakuha yung World Wide Weird?"

    - Kay Ate pa rin. Grabe ‘no!? Napaka-creative KO! Hahaha! Sobra.

3. "Bakit ka gumawa ng bagong blog?"

    - Dahil gusto ko ng bagong URL.

4. "Madami ka bang blog?"

    - Sa tingin mo? Lima sa Multiply, isa sa Blogspot, dalawa sa i.ph (kasama na ‘to), meron sa deviantArt. Pakalat-kalat ang mga blog ko.

5. "Bakit madami kang blog?"

    - Dahil madami akong email address.

6. "Sinu-sino ang nakakaalam ng URL ng blog na ‘to?"

    - Yung kasalukuyang nagbabasa (ikaw), si Raphee, Ako, Ate ko (malamang), baka alam na rin ng mga nasa Yahoo! Messenger.

7. "Pagkakalat mo ba ang link sa blog mo?"

    - Pwede rin. Ba’t naman hindi, ‘di ba?

8. "Ano nga pala ang meron sa baka at parang adik ka doon?"

    - Bukod sa cute ang black and white… Uh… Hatsuharu?

9. "Magtatanong pa ba ako?"

    - Ha?

10. "Paano kapag may gumaya sa’yo na gumawa ng blog sa i.ph?"

    - Ano ba ang magagawa ko? Hawak ko ba ang buhay at "free" will nila? Nasa kamay ko ba ang server ng i.ph para alisin ang mga username ng kahit sinong magreregister?

11. "Hindi, paano kung sobrang ginaya? Yung tipong, pinagmamalaki niya na siya ang nauna at IKAW ang nanggaya sa kanya?"

    - E ‘di siya na ang nauna. Bahala siya. Imitation is the best compliment!

12. "Paano kapag kinuha yung baka?"

    - Sapak! Seryoso! Pinaghirapan ko yan! Ako ang nag-drawing niyan!!

13. "Paano mo dinrawing?"

    - Tablet. openCanvas.

14. "Wala kang Photoshop?"

    - Meron kaso expired na. Hahaha, tinatamad akong kunin yung CS2 sa kabilang computer.

15. "Sino ako?"

    - Sino ka nga ba? Ohmaygad, si Mikan ka ba!? Mikan!?

 

Adieu~ 

Posted by worldwideweird at 8:16 pm | permalink | Add comment