Mooooo....

Jeep (An entry from my other blog)

September 27, 2007

[[January 22, 2007]]

Araw-araw akong sumasakay sa jeep. Araw-araw ang dami kong taong nakikita, pinagmamasdan, tinitignan ng pasikreto, at ino-okray. Namumukod-tangi ang araw na 'to. Ang dami kong nalait.

Mga alas-singko na ko sinundo kanina. Kumain muna ako kina Mang Ambo, kasama ko si Eloisa. Hanggang uwian, pinag-uusapan pa rin ng mga kaklase namin ang ginawang pagwalk-out ni Sir Cruz nung CLE. Wala kasing gustong magrecite.

Maaga-aga kaming natapos kumain ni Mahloi. Sina Raphee mukhang pumunta pa sa "Kainan". Umalis na kami ng sundo ko. Tapos sumakay ng jeep na papuntang Blumentritt.

Nakasabay ko yung isang kaklase ko. Tatlo silang sumakay, kasama niya yung kapatid niya. Pero nagulat ako nung pang-dalawang tao lang yung binayad niya. Pati si Manong Driver nagtaka. Bumaba sila sa may kanto ng Solis. Dire-diretsong tumawid yung kaklase ko, naiwan (o iniwan?) niya yung dalawang bata. Muntik pang maligaw yung isa. Buti na lang at tinawag nung isa pang bata. Ano kayang problema nung kaklase ko?

Pagdating sa kalye ng Solis, napansin ko yung mga batang nakakalat sa kalye. Nakakalat, as in nasa gitna ng kalsada. Napansin ko yung isang bata. Nakaupo, nakababa ang shorts. Nandun siya sa tapat nung mga grills na hawakan sa sidewalk. Yung parte ng kalsada na katabi ng jeep, sa kanan. Hinintay ko yung gagawin nung bata. Curious ako. Maya-maya, may nakikita akong kung anong galing sa pwet niya. Ayoko ng ituloy. Baka may kumakain.

Ang ingay sa jeep. May dalawang lalaking nag-uusap tungkol sa mga kawalang-hiyaan sa trabaho nila. Basta, ang ingay.

Pagbaba sa Blumentritt, ang dami namang nakaharang na tricycle. Ang sarap murahin. Daanan ng tao, ginawang private road ng mga tricycle drivers. Sa awa ng Diyos, nakasakay kami kaagad sa jeep. Pag-upo ko pa lang, nag-abot na kagad ako ng bayad ng kung sino. Tapos yung isang babaeng may edad na, yung nandun sa may bandang entrance ng jeep, biglang sumigaw. "Manong, sa Sto.Domingo lang yun! Dapat sais yung sukli!!!"  Sagot naman ni Manong, "Ahh, Sto.Domingo ba? Akala ko kasi sa Sto.Niño. Sorry, tao lang!" Sabay irap nung matanda.

Ang bilis magdrive nung jeep!! May sasakay, hindi pinansin ni Manong Driver. Lalong bumilis nung nasa A. Boni. na kami. Buti na lang, kahit sa isang kanto pa yung bababaan namin, pumara na yung sundo ko. Sakto yung hinintuan nung jeep, kaso nga lang muntik niyang mabangga yung nagmomotor.

Sa wakas!! Nakauwi na rin!

Pagdating sa tapat ng gate namin, bigla akong nagtanong…"Nagbayad ba tayo?"

Haha. Sana hindi. Para masaya.

Posted by worldwideweird at 7:50 pm | permalink | Add comment

><

I'm tiiiiired.

 

Ugh. 

Posted by worldwideweird at 7:31 pm | permalink | Add comment

Crisis Core

September 22, 2007

Here's the subtitled version:

 

Posted by worldwideweird at 2:59 pm | permalink | Add comment

Because we love Fatal Frame so much.

September 1, 2007

"I believe that horror should ultimately be a story of chaos. You never know what is right, and nothing is logical." 

"One of the reasons that I paid attention to details on this game is that dead people are watching the game while you are playing. I know it. And dead people would care in detail. This game is also for dead people, and I can proudly show the game to them."

- Makoto Shibata

Writer and Director of Fratal Frame III: The Tormented

 

   Yes, I am urging you to play the Fatal Frame Series.

 

 

Posted by worldwideweird at 9:35 pm | permalink | Add comment