What about lack of common sense?
June 29, 2007I don't really feel like posting today, but since I don't want to talk to anyone right now, I might as well talk to Mr. Happy Cow.
—
It's been four weeks since the first day of classes. The first few weeks were nice, but there are some random issues at school lately.
People have been stupid. They have been messing with other people's lives for the sake of their own pleasure. Please, before you pass the blame to us, make sure that you have some logical explanations on how and why you did that idiotic whatnot.
Pictures. Sheez, admit it, PAREHO LANG NAMAN KAYONG MAY KASALANAN.
If you can't at least use your common sense, just shut up, go away, and sit down on a tiny corner.
I'm not referring to any individual, but to think that we were given brains and the fact that we seldom use it is too much of stupidity.
What's the joy in the misery of others?
Then again, so many people are just plain stupid to understand.
I overused 'stupid' in this entry. Sorry for that.
—
Next topic.
We had our computer class a while ago, and no one was listening to Sir Dennis. I wasn't listening too, but he kept on asking me whenever I look at him. The same thing happened last week. He was busy asking questions about the lesson while we were busy playing Hangaroo and Text Twist. Good thing that I can answer his every question. Good thing it's about computer. It's like, "Hey, answer me so I that we can go on to the next question which you would have to answer too." We were stuck for about ten minutes on a question which was SO EASY, because no one wants to recite, no, slash that, no one wants to listen to him. We were panicking because of Text Twist, then he called me. AGAIN.
And it was like this:
Sir Dennis: "Christmaelyn, do you have any idea about productivity in networking?"
Me: "What, Sir? Like your example?"
Sir Dennis: "For example, you have your group project."
Me: "Ah… Uh… Instead of talking to your group personally, you could just meet them or send a message via the internet. It will save your time and energy."
I was correct. Then he asked Adeth.
Sir Dennis: "Bernadette, explain 'Programs'."
Adeth: "Uh… Sir, ano po…"
Me: "Speak English!"
Adeth: "Uh… when you ano… uh…"
Me: "Sabihin mo na lang na instead na mag-install ng programs sa bawat computer, i-share na lang."
Adeth: "Ano po, Sir… Uh… Ayun po, kahit na mag-install…"
Sir Dennis: "Ano nga? May idea ka, e."
Me: "Yun na nga lang ang sabihin mo! Kesa mag-install sa bawat PC, i-share na lang yung programs!"
Adeth: "Kesa po mag-install sa computer, ano po, i-share na lang."
Sir Dennis: "Okay."
Wow.
—
Next.
This part is solely dedicated to Yuki, who had no choice but to go to Australia this day.
I hope that some people sell takoyaki there.
—
This part is for Jamie.
Yes, you are Lord President. I don't care if somebody else reads this, but you are more worthy of presidency than any other — ehem — president.
—
This is for youknowwhosheis.yessheismyfriend.
YOU ARE STUPID. Remember that. You didn't even think of what could happen when you told others about 'that'.
You didn't even try to remember or understand what I told you BEFORE the conversation. Damn you for being an idiot. Anata wa baka, ne?
—
That's all for now. I might get hypertension because of this. Idiots are everywhere.
Note: If ever you have some kind of violent reaction or additional foolishness to tell, you can either post a comment or talk to a set of lawyers. Seriously.
Hare Hare Yukai!! Sayaw!
June 5, 2007Gusto kong isayaw ang Hare Hare Yukai. Kasama sina Jamie. Si Jamie dapat ang nasa gitna.
*imitates Jamie*
Pakshet.
Birthday nga pala ni Jamie bukas!! Nampocha naman o. Sugod sa San Lazaroooo!!
—
Alam niyo ba, staffer na ako sa Arts Club? Ni hindi nga ako member e. Ni wala pa ngang sell out. E dapat daw pag nagmember, magpapasa ng artwork. Sina Raphee yung officer. Nakita na nila ang lahat ng artworks ko. So member na daw ako.
Nagmeeting sila kanina. Dahil sa mga suggestions ko, promoted ako as staffer.
Oo, madaya.
Hindi ko nga alam kung pwede akong mag-staffer. Ang balita ko kasi, hindi pwedeng magkaroon ng position sa ibang org kapag nasa Peer ka. Tapos officer pa kami ni Elaine. Our school life is too restricted because of PCG. Not that I'm complaining, though. Pero ewan. Hindi lang naman tungkol sa Peer ang buhay eskwela ko.
—
Wala pa rin akong boses.
—
Napansin ko na sa first two sentences lang may kinalaman yung title.
—
Tungkol naman sa first day…
Wala namang special na nangyari. Yun lang. Hindi kami "ganun" kasaya na makita ang isa't-isa kasi halos araw-araw kaming nagkikita nung bakasyon.
—
Ang natutunan ko sa araw na ito ay…
Kapag nagpapalit ng seating arrangement ang adviser niyo, sabihan ang katabi mong kaibigan na manahimik, at manahimik ka rin para hindi masabing magdadaldalan kayo.
—
Binigay ko na kay Jamie yung kopya ng Haruhi Suzumiya. Palaging siya yung pangalawang nakakapanood 'no? Successor ko siya sa mga DVD.
Ciaaaao.
Ang kwento ng araw ko… at ng Yanyan.
May 31, 2007As usual, nagising na naman ako ng maaga dahil nag-aayos si Ate para… uh… para umalis. AS USUAL, natulog ulit ako.
Gumising ako ng 10am para matulog ulit at gumising ng 11am.
Nag-internet muna ako sandali para kunin yung pinatype ko na story kay Jes. Nag-check din ako ng blog kasi malakas ang pakiramdam ko na may nag-iwan ng message sa message board.
May nag-iwan ng offline message sa Meebo. Hindi ko kilala kung sino. Nagtananong ako sa mga tao pero hindi daw sila yun.
Dahil mahiwaga masyado ang aming internet connection, nag-sign out mag-isa ang Yahoo! Messenger at ayaw nang bumukas ng mga website.
Kaya naligo na ako.
Siguro naman hindi ko na kailangang i-explain pa yung details kung paano ako naligo?
Ayan, tapos na akong maligo. Habang nag-aayos, pinipilit kong magbukas ng website at makapag-sign in sa Y!M kahit na alam kong wala nang pag-asang makapag-internet pa ako.
Pagkatapos mag-ayos, bumaba na ako para mag-lunch. Yun pa rin ang ulam ko. Kung ano ang ulam ko kagabi, yun pa rin. Ano bang pakialam mo, e masarap yung pagkain? Pinagluto ko kasi si Ate ng adobo kagabi. Mga isang taon ko na kasing hindi natitikman yung adobo niya. E masarap yun. Yun pa nga rin ang ulam ko mamaya.
Anyway…
Umalis na kami ng maghahatid sa akin. Naglalakad kami papunta sa Retiro… Ay, teka. Nandun pa lang kami sa street namin. Nung malapit na kami sa kanto, may bumusina sa likod ko na kotse. Tapos nung dumaan na siya, aba, bigla ba namang sinabing, "Luneta a!". Ayun, na-leche tuloy ng kasama ko. E bakit ba!? Anong gusto niya, tumakbo kami? Ang kapal nga ng mukha niya! May paganun-ganun pa siya, e hindi nga siya taga-dito! Bulok naman yung kotse niya! Naku, leche talaga. Pa-ban ko siya sa barangay namin e. Bwiset.
Nakarating na kami sa Retiro. Sa wakas. Kaso mainit. Sumakay na kami kaagad ng jeep. Wala namang nangyaring kakaiba sa jeep kaya diretso na tayo sa kwento tungkol sa Blumentritt.
Bumaba na kami ng jeep. Nasa Blumentritt na kami. Ayos na sana ang lahat, kaso ang daming nakakalat na tricycle. Ginawa nilang parking lot ang kalye ng Blumentritt, ginawa nilang tambayan ang sidewalk, at ginawa nilang sabungan-ng-mga-lasing-na-tricyle-driver ang bawat sulok. 'Langya, wala pa ring pagbabago. Ang dami pa ring squatter sa riles. Paano kaya sila nabubuhay doon? Hindi ko maisip ang sarili ko bilang "squatter". Hindi ko ma-imagine ang sarili ko bilang maliit na batang naliligo ng hubo't hubad sa harapan ng kanyang bahay at gumagamit ng tubig galing sa maruming ilog… kung ilog man yun. Ginawang dump site e.
Sumakay ulit kami sa jeep. Kami ulit ang unang sumakay kaya nasa tabi kami ng entrance. Mabilis naman mapuno kahit papaano. Meron lang tatlong batang lalaki (mga 12-15yrs. old) na nag-aabang sa kung ano man. May nag-vibrate sa bag ko. May nagtext. Feeling ko si Jamie at Jesmon. Putek naman o, hindi ko malabas ang cellphone ko. Malay ko ba kung snatcher ang katabi ko? Malay ko ba kung magnanakaw yung mga bata? Malay ko ba kung… kung… Teka, umaandar na yung jeep. Nakasabit ang mga bata. Silang tatlo, plus yung isang lalaki na hindi naman nila kasama. Nag-uusap yung mga bata tungkol sa… eeeek! Pumreno bigla si Manong Driver. Yung preno niya may kasamang liko, kaya tuloy sumubsob yung isang bata sa lapag ng jeep. Buti na lang mabait yung nasa harapan ko at hinawakan siya't tinulungang makatayo. Hahawak sana yung bata nang biglang umandar na naman yung jeep. Ano ba yan Manong? Ever heard of safety? Pinag-uusapan ng mga bata kung ano ang gagawin nila sa mangga na nasa supot nila. Hindi ko alam kung saan nila napulot yung mangga, pero yun. Sabi nung isa, "benta kaya natin para may pamasahe tayo?". Yung isa naman, "kainin na lang natin." "Saan natin kakainin?", "Sa bahay na lang.", "Hindi! Sa tulay na lang!" Nakalagpas na kami ng Solis. Merong truck sa likod ng jeep. Bumaba ang mga bata at sinabing sabit na lang daw sila sa truck.
Naiwan na lang yung lalaking nakasabit. May bumaba galing sa tabi ng driver. Bumaba si Manong sabit at sumakay sa harapan. Andar na naman kami. Preno na naman si Manong Driver. Nagalit si Manong na nasa harapan ko. Nagalit ang mga katabi ko. Nainis ako. Napansin ko na nasa likod pa rin namin ang truck. Siguro nandoon pa ang mga bata. Oras na para bumaba. Malapit na kami sa ICAM. " 'Ma, para po", sabi ng kasama ko. Bumaba na kami. Tinignan namin ang truck sa likod, wala na yung tatlo. Napaisip tuloy ako. Ano kaya ang nangyari sa kanila? Bumaba kaya sila? Hindi siguro, narinig ko sa usapan nila na sa Balut sila pupunta. Nahulog kaya sila? Nabundol kaya sila? Makakarating pa kaya sila sa pupuntahan nila? Sabi ng kasama ko, "siguro pinababa nung driver."
Ano nga kaya ang gagawin nila sa mangga?
Papunta na kami sa ICAM. Kung ano ang ICAM, hindi yun bahay, hindi yun hayop, eskwelahan ko yun. Nakasalubong namin sina Aling Cutie.
Pumasok na ako sa gate. Nandun si Mang Roger. Sina Trisha at Denise nandun din. Nasa Multi-Purpose Hall daw yung iba.
Umpisa na ng practice. Ay! Nga pala, sabay kaming dumating ni Jamie. Siya kasi yung pinagawa ko ng drawing para sa stage decoration. Ang ganda, hanep. Yung babae halong Kairi (KH I) at Aerith (FFVII). Yung lalaki… kamukha ni Roxas. O, san ka dun!? Crush nilang lahat si Roxas! Pati si Eugene at Raymart crush si Roxas. Gulay… buti na lang sabi ni Jamie AKIN na daw yung Roxas na ginawa niya. Nabasa ninyo a, AKIN na yun. SA AKIN LAMANG. Ni hindi nga nila kilala kung sino si Roxas e.
Practice muna sila ng sayaw. Pagkatapos, practice naman ng introduction. Ilang beses namin ginawa. Naiinis na si Trisha.
Nagkaroon kami ng KAUNTING break na MAHABA. Gets niyo? Basta. Naglalaro yung mga third year. Sina Mary Ann, Apple, Veronica, Raymart, at Ronna. Alam mo yung laro na may mga silya sa malayo at may tugtog? Kapag huminto yung tugtog, paunahan kayo sa silya, at yung walang makukuha na silya, out. Oo, parang "Trip to Jerusalem", kaso hindi niyo na kailangang umikot-ikot at hiluhin ang sarili para manalo. Nagpatugtog na. STOP! Takbo! Tumakbo sila. Nanonood lang kami ni Jamie habang naga-iPod. Hala! Si Veronica ang daya! Binuhat ang silya at tinangay sa kung saan! Nakaupo na sina Ronna, Apple at Raymart. Si Mary Ann nakahanap din ng silya! Ang galing nila! Teka!! Bakit sakto yung silya sa kanila? Sinong talo? Ha?
Sabi ni Jamie siya daw yung nag-iwan ng message sa Meebo.
Dumating na si Ms.Tina at Ms.Emma, practice ulit. 4:30 na. Uuwi na daw si Jamie. Sabi ko sabay na kami total isang practice na lang naman at naghihintay ang sundo ko. Medyo maayos na ang introduction. Peste, wala si Elaine. Wala akong "ka-connect" sa introduction. Buti na lang at makakapunta na siya bukas.
Tapos na! Makaka-uwi na kami! Sa wakas!!
Pa-uwi na kami. Patawid kami nang may babae sa harapan namin na sasakay sa jeep na hindi naman niya pinara. Siya pa ang may ganang magalit. Malay ba nung driver! Nasa kabilang side na kami. May isa pang babaeng magulong maglakad. Nampucha, pa-sexy maglakad, tabingi naman! Madami pa ring tricycle sa Blumentritt. Dumaan kami sa Mercury Drug para bumili ng inumin. Dehydrated ako. Bumili ako ng dalawang bote ng One (yung White Tea), isang pack ng BluSkies (yung Spring Onion), saka isang Yanyan (yung strawberry). Walang price yung One, libre siguro! Meron naman yung BluSkies. Desperado na ako. Pati biskwit pinapatulan ko. 27.75Pesos ang Yanyan. Uy! Mas mura kesa sa 7-11! 40pesos kapag sa 7-11!!
Nagbayad na kami. Lumabas kami ng Mercury Drug. Sa Blumentritt pa rin 'to a. Yung sa may Goldilocks. Ayan, lakad kami. May nagmomotor na babae. Green yung motor. Nagmomotor yung babae… sa sidewalk. Ibang klase! Nagmomotor sa sidewalk! Grabe! Talo niya ang mga tricycle driver a! Kilala daw siya ng kasama ko. Ang gulo ng pagkaka-explain niya pero kilala daw niya yun.
Sumakay na kami ulit ng jeep. Magbabayad na kami. Ayaw i-abot nung lalaki sa tabi ko. Nagkusang-loob na yung babae sa kabilang side na i-abot ang bayad namin sa driver. Sinabi ko nang malakas sa kasama ko, "BAKA BINGI!" Sana narinig niya yun. May babaeng sumakay, may kasamang tatlong bata at isa pang babae. Natamaan kami nung unang babae. Wala man lang sorry? Mga tao talaga ngayon. Naikwento sa akin ng kasama ko na kaninang umaga daw, nung umalis siya't sumakay sa jeep, yung babaeng katabi daw niya, sinabit ung payong dun sa gitna nila. Alam mo yun, yung sa bintana? Syempre, pupunuin yung jeep. E 'di umurong sila kasi may sasakay. Yung babaeng may payong, ayaw daw alisin yung payong na nakasabit. E nahihirapan na yung mga ibang pasahero. Alam mo kung ano ang nangyari? Ito o. Si Jen yung kasama ko. Si ??? yung babaeng magulo.
Jen: "Miss, alisin niyo naman yung payong niyo diyan kasi may iba pang pasahero."
???: "Bakit ba!?" (Aba, siya pa ang may ganang magalit!)
Jen: "E kasi naman hindi ako maka-upo ng maayos!"
???: *tingin lang*
Ang lakas ng loob. Mukha naman daw bakla. Ewan. Kapal niya. Sana sumama pala ako. Gusto ko siyang awayin.
Naubos na ang isang bote ko ng One.
Malapit na kaming bumaba. Ayan na. Babay Manong Driver!
Nasa bahay na ako. Sa ngayon ay pinapapak ko na ang Yanyan ko. Mauubos na rin yung One. Kumakanta ang Ate ko. Nanghingi siya ng Yanyan. Ka-chat ko si Adeth. Masakit ang daliri ko. Ang haba ng entry na 'to. Pinakamahabang entry ko 'to sa lahat ng blog entries na nagawa ko. Check mo pa sa Multiply.
Sige kanta ka lang, Ate…
Ikaw, magiting na mambabasa, dehydrated na ba ang iyong mata?
—
Kaklase ko si Adeth! Wahoo!!
Search
| M | T | W | T | F | S | S |
|---|---|---|---|---|---|---|
| « May | ||||||
| 1 | 2 | 3 | 4 | |||
| 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 |
| 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 |
| 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 |
| 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | |
Monthly Archives
Sponsored Links
Sino ako?
- Name: --Find out if you can--
- Nickname: <*insert your own made-up nickname for me here"
- Age: dsfgsdjghsa D:
- Hobbies: Staring at the ceiling.
- Favorite cartoon character:You!
- Favorite food: You!! Haha.
Recent Photo
Links
Where am I?
Message Board
- Survivor Philippines:
Survivor Philippines: Pautakan! Pagalingan! Patatagan! Napadaan lang, Subukan mo ako! Lets exchange link para matatag! Salamat!
- patricia:
xmae~!nhnapko rin. hai. i’m tracker. hhi, musta? nsa gab-205 ako ngaun. ikaw rin. hha. gatecrash lng. x3
- nababaliw na ako:
wow, ang galing mo ah.
hahaha!
- worldwideweird:
Si Yuki ka. Oh yeah, pasta! Hahaha.
- nababaliw na ako:
kung hindi mo alam kung sino ako, hindi kita gagawan ng pasta na ginawa ko nung isang gabi.
) nyaknyaknyak.
- Jesmon:
nice one! ahihi!=)
- maloi:
oo.. i actually think that they just moved the bags as an excuse just to play in the rain..
pero in fairness ang babait nila.. hahaha
- junelle:
Favor: Please vote for intiendes @ http://intiendes.com
- worldwideweird:
Naiyak? Huh? Di kaya. Haha. Tinanong ko kay Dhang kung san lalagay mga letters. Sabi niya kahit saan daw. So sa pader ako magsusulat. Bahala na silang humanap. Sa Laloma kaya!? Haha.
- maloi:
naiyak ka ata dun sa post ko ah..
lam mu ba, naiyak ako habang sinusulat ko yung letter ko para kay ninang..
ay mali..
( pla..
- Jesmon:
Hello.=)
- worldwideweird:
hello random person!! ^^,
- AD:
nakikiusyoso. hehehe
- Jesmon:
I see now! The person is enlightening the cow that it will become a burger soon. Tapos kaya “…?” yun kasi hindina siya masaya nung nalaman niya?
- worldwideweird:
No… He’s actually pointing to the burger for the cow to see what it’ll soon become.
- Jesmon:
Ay, siguro, kasi, sabi, “Happy Cow..?” may pag-aalinlangan. Feeling ko, depressed yun cow, tapos yun tao, sabi niya, wag na siya maging malungkot tapos dapat maging Happy Cow na siya.=)
- worldwideweird:
Sige, isip lang… hahaha.
- Jesmon:
Hindi ba napapanis yun burger na yan? Nag-aalala na ako sa cow. Kakainin ba nung cow yan? Oh sinasabi nung tao na wag kainin? Hmm.
- worldwideweird:
Waa, Yunyun.
- yunyun:
look who’s back!!!!— ME!!!!
anyway. hahaha! yun lang
mwahahahaha.
babay
Latest Comments
- Greg: I heard the dog didn't...
- ozy: It's postmodern. Art is subjective,...
- Jesmon: Yah. At first. But I...
- worldwideweird: D:...
- maloi: it's dead.. forgot to tell you.. aparently...


